Wednesday, April 6, 2011

Happy 3rd Anniversary Litratong Pinoy!


---
Tatlong taon na ang LitratongPinoy! Ambilis ng panahon. Hindi man ako nakapagsimula sa unang araw nito at paminsan ay lumiliban ako sa mga tema dahil sa kawalan ng mailalahok o di kaya naman ay sobrang hectic (naks!) na iskedyul ay ito ang isa sa paborito kong meme. Marami sa inyo ang nakakakilala sa tatlong ito, nakita ninyo silang 'lumaki' sa pamamagitan ng mga litrato.

IMG_1538

Salamin ang tema noong nakaraang linggo, hindi ako umabot. Una ay walang may suot ng salamin sa aming bahay, pangalawa malamig pa noon kaya hindi pa ako makapagkuha ng litrato sa labas na may suot silang mga salamin. Kaya heto ang lahok ko para ngayon at noong nakaraang linggo. :D Tamang tamang umaraw kanina, hindi na pagtatakhan ng mga tao bakit sila naksuot ng sunglasses.

Kung noon ay purong litratong hilaw ang inilalahok ko, ngayon ay natuto na akong magdagdag na kaunting texture at actions. (Salamat kay Maiylah.) Maganda na kahit paano ay may drama ang mga litrato gaya nitong nasa ibaba. 

IMG_1556

Galit ba ang mga bata? Minsan ay ganoon nga, ayaw na kasi nilang nagpapakuha ng litrato ng paulit-ulit. Pero gayunpaman, tatayo sila at magpopose lalo na kapag ginagawa kong katawatawa ang pagkukuha. Kaya ang litratong iyan ay iisa, dahil ang iba puro nakabungisngis na sila....wag kayong maniwala na galit sila, sa baba yan ang tunay na expression nila.

3eggs

Happy 3rd Anniversary to us LPers! Here's to more years ahead! Saludo!

13 comments:

  1. Naks ganda nang posing. I can't say which one is my favorite, looks like they all have fun. ^_^

    ReplyDelete
  2. parang mini me ng daddy nila si son #1 ah. galing ng mga kuha mo g.

    ReplyDelete
  3. cuuuute ^^ esp the last one

    ReplyDelete
  4. Na imagine ko ang saya ng bahay nyo ♥!

    ReplyDelete
  5. Sooo cute! They have grown up a lot too since the first time I saw them on you old blog...specially the little one.:)

    ReplyDelete
  6. Favorite ko yung last shot..kengkoy at kengkay! ha ha ha! Oo nga ang bilis nila magsilaki, tita G!

    Happy LP Anniversary sa atin, kampai!

    ReplyDelete
  7. Yup, I love the texture and the treatment of your photos.

    happy anniversary sa atin! =)

    ReplyDelete
  8. Ang cute nga at pinaka cute ung wacky shots nila dun sa third photo! Love it! Happy LP!

    http://edsnanquil.com/2011/04/litratong-pinoy-146-freesytle.html

    ReplyDelete
  9. ang galing naman ng mga litratong ito lalo na yung 3rd photo..cute ng mga models :)

    Sana iyo’y mabisita ang aking lahok..The Welder

    ReplyDelete
  10. The last picture makes me so giggle thanks for the comment at My Daily Mumbles

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.