Showing posts with label Venice. Show all posts
Showing posts with label Venice. Show all posts

Friday, May 1, 2009

Tulay/Bridge - Litratong Pinoy


Para sa tema ngayon "Tulay" - dalawin natin ang Siyudad ng mga Tulay. Tinawag ito sa ganito dahil sa mahigit 400 na tulay na nagduddugtong dugtong sa mga kalsada ng Venice.


dsc00615


Para sa mga litrato ngayon ay dalawa po ang potograpo, ako at si H, nagkamali lang ako ng lagay ng watermark, itong sa itaas ay kuha ko at ang nasa baba ay sa kanya.  Sa itaas ay makikita ang Starhotel Splendid Suisse na talaga namang naniningkad sa pagka-pink. Ang tulay na ito ay gawa sa kahoy, mangilan-ngilan lamang ang tulay na kahoy pero siguradong matibay din naman.


img_0382-copy


Nakakatuwang tuntunin ang mga kalsada sa Venice, sorpresa ang bawat makikita at sa dami ng tulay ay maaari kang maligaw sa sandaling magkamali ka ng isang liko. Ganun nga ang nangyari, naligaw kami bago kami nakarating sa Piazza San Marco. :D


img_0431-2


Ito ang Rialto Bridge, ang pinakamalaking tulay na matatagpuan sa Venice. Ang tulay ay naguugnay sa magkabilang gilid ng Grand Canal. Dito din makikita ang pamilihan ng iba't ibang klaseng produkto.


img_0496-2


Habang naghihintay kami ng mga gondolang makukuhan ng litrato ay kami muna ni H ang nagkuhanan hehe.


dsc00504-2


Sa 400 tulay sa Venice, malamang wala pa sa 50 ang nakuhanan namin pero hindi ko na ilalagay lahat, kulang sa espasyo :D. Sana ay nagustuhan nyo po ang aking lahok.


img_0517-2


------


Gondolas, waterways, one look and you know its Venice. A city in northern Italy, the capital of the region Veneto, Venice relies on water for its transportation. The city is connected by more or less 400 bridges. No wonder Venice has been nicknamed 'The City of Bridges' and "The City of Waters' among others.



Venice is Europe's largest urban car free area, unique in Europe in remaining a sizable functioning city in the 21st century entirely without motorcars or trucks.

----

Happy LP!


Click here for more photos of bridges!

Friday, August 15, 2008

Photo Hunt - Colorful





Wordless but colorful...

gondola17

gondola15

gondola16

gondola2
----
We visited Venice a while back and its compelling beauty is definitely a photographer's haven.
I was amazed with Venice's culture that is deeply preserved not only in the old yet colorful buildings but most especially in their waterways.

The islands on which the city is built are connected by about 400 bridges.No wonder Venice has been nicknamed 'The City of Bridges' and The City of Waters' among others.

The canals serve the function of roads, and every form of transport is on water or on foot. The famous Venetian boat, the gondola is nowadays used for tourists or special occasions such as wedding, funerals and other ceremonies.

Vaporetti (Motorised waterbuses) are available for daily local transport and many of the people own private boats.


------------------

Somehow though, I cannot help but feel sad about the plight of the Pasig River (Manila, Philippines). Back in its heydays it was like, if not the same as Venice's grand canal. Then, it was clean (as described by Dr. Jose Rizal in his novelas), it served as an important means of transport and functioned as the city's lifeline and center of economic activity. Bapors and boats served the locals like vaoporetti does.

But due to massive population growth, infrastructure construction, and other factors, the former purpose of the river has been abandoned. The banks of the river attracted settlers and many factories dumped their wastes into the river, making it effectively as a huge sewer system. It was considered biologically dead then.
However, efforts to revive the river began in December 1989 with the help of Danish authorities.

Sometime last year, the river has been opened for transport again to some small areas in the city, to read more please click here.
Hopefully, soon the Pasig river might live again, after all, nature has a way of healing itself, but cooperation from the people around the river would help a lot!

Thursday, August 14, 2008

Litratong Pinoy - Liwaliw



DSC00596




Kami ay nagliwaliw sa dakong ito ng Italya, sa Venice, na kung saan ang tubig ang pangunahing sistema ng transportasyon, isang kultura na priniserba sa loob ng maraming taon. Talagang humanga ako hindi lamang sa mga gusaling nagpapakita ng taglay na katandaan ng siyudad, o ng mga bangka at gondola sa mga kanal, maging ang mga tindahan ay dinadayo dahil sa mga maskara at produktong murano glass.

Sa isang banda hindi ko maalis isipin ang Ilog Pasig, kung ano kaya ang lagay nito ngayon kung hindi napabayaan...malamang isang dinadayong bahagi rin ito ng Maynila. Nabasa ko rin na meron namang mga pagsisikap na ayusin uli ito lalo na ang magkaron ng mga Ferry na bumibyahe sa ilang partikular na lungsod.




traffic




gomdola10




Venice - shop




Marami ding mga magagaling na pintor sa Venice na nagtitinda ng kanilang mga gawa sa daanan, gamit ang iba't ibang medium tulad ng watercolor, pencil, charcoal. Ako ay isang nangangarap na pintor pero dahil hindi ko na yata magagawa yan ay masaya na din akong kumuha ng litrato mula sa mga bagay na nakikita ko. Sabi nga isang piraso ng realidad sa pamamagitan ng kamera. Salamat na din at may photoshop, pwede ko ring tingnan ang hitsura ng isang litrato kung ito ay iguguhit ko gamit ang watercolor...




paintbrush



At siyempre pa hindi kumpleto ang pagliliwaliw kung walang pagkain, ano pa nga ba ang tamang pagkain kundi ang pamosong Pasta at Pizza sa Italya.

diavolo, cannelloni con ricota e spinati

Pizza Diavolo at Cannelloni con Ricota e Spinati



------

Halika na magliwaliw sa ibang lugar kasama ang mga Litratistang Pinoy!

P.S. Ang unang nakahula sa nakaraang akda ay si PhotoCache! =) F.F. sa susunod uli para sa mga mapapanalunang postcard (saka hindi sa Venice malamok, sa Lignano yung isa namin pinuntahan). =D

---