Thursday, August 14, 2008

Litratong Pinoy - Liwaliw



DSC00596




Kami ay nagliwaliw sa dakong ito ng Italya, sa Venice, na kung saan ang tubig ang pangunahing sistema ng transportasyon, isang kultura na priniserba sa loob ng maraming taon. Talagang humanga ako hindi lamang sa mga gusaling nagpapakita ng taglay na katandaan ng siyudad, o ng mga bangka at gondola sa mga kanal, maging ang mga tindahan ay dinadayo dahil sa mga maskara at produktong murano glass.

Sa isang banda hindi ko maalis isipin ang Ilog Pasig, kung ano kaya ang lagay nito ngayon kung hindi napabayaan...malamang isang dinadayong bahagi rin ito ng Maynila. Nabasa ko rin na meron namang mga pagsisikap na ayusin uli ito lalo na ang magkaron ng mga Ferry na bumibyahe sa ilang partikular na lungsod.




traffic




gomdola10




Venice - shop




Marami ding mga magagaling na pintor sa Venice na nagtitinda ng kanilang mga gawa sa daanan, gamit ang iba't ibang medium tulad ng watercolor, pencil, charcoal. Ako ay isang nangangarap na pintor pero dahil hindi ko na yata magagawa yan ay masaya na din akong kumuha ng litrato mula sa mga bagay na nakikita ko. Sabi nga isang piraso ng realidad sa pamamagitan ng kamera. Salamat na din at may photoshop, pwede ko ring tingnan ang hitsura ng isang litrato kung ito ay iguguhit ko gamit ang watercolor...




paintbrush



At siyempre pa hindi kumpleto ang pagliliwaliw kung walang pagkain, ano pa nga ba ang tamang pagkain kundi ang pamosong Pasta at Pizza sa Italya.

diavolo, cannelloni con ricota e spinati

Pizza Diavolo at Cannelloni con Ricota e Spinati



------

Halika na magliwaliw sa ibang lugar kasama ang mga Litratistang Pinoy!

P.S. Ang unang nakahula sa nakaraang akda ay si PhotoCache! =) F.F. sa susunod uli para sa mga mapapanalunang postcard (saka hindi sa Venice malamok, sa Lignano yung isa namin pinuntahan). =D

---

24 comments:

  1. salamat sa pagpapaalala sa akin na oras na palang magpost ng LP na litrato! hehe.

    ang ganda talaga sa venice...kakainggit! romantiko.

    ang gaganda din ng mga souvenir na maskara. kakabili ko lang ng guidebook ng venice at nabasa ko rin kung saan ginagawa ang murano glass...nagbabakasakaling makapunta rin ako sa italy. hehe.

    ReplyDelete
  2. Maganda pasyalan ang mga ganyang lugar, maraming matututunan :)

    Eto ang sa akin:
    Tara Na, Pasyal Tayo

    ReplyDelete
  3. I am not sure if my first comment went through.

    Anyway, maganda mamasyalsa ganitong lugar kasi ika nga historical at maraming matututunan :)

    Tara Na, Pasyal Tayo

    ReplyDelete
  4. Nadalaw din naming mag-asawa ang Venice 5 taon na ang nakararaan. Naalala ko sa mga litrato mo ang nakita namin noon. Hehehe... memories... :)

    ReplyDelete
  5. Sana makapagliwaliw naman ako dyan ang ganda pa naman dyan... ganda ng view talaga.. bisita ka rin sa akin..salamat..

    ReplyDelete
  6. amo appena venezia! it's one of those places na sarap balik-balikan. second to marseilles!

    ReplyDelete
  7. pangarap ko ring makapunta sa venice at sumakay sa gondola kasama ang aking asawa! diba may kasabihan sila na pag nag-kiss daw sa ilalim ng bridge, forever kayong magmamahalan?! hahaha :)

    ang corny ko!

    happy LP!

    ReplyDelete
  8. wow. gusto ko ring makapunta sa Italy. :) parang napakaromantic ng lugar.. ang ganda pa.. ^_^

    gusto ko ring pumunta sa Italy dahil sa pasta!! :D hehehe..

    --karmi
    http://kundiman.net

    ReplyDelete
  9. wow! ang ganda!!! gusto ko din magliwaliw jan at sumakay sa gondola kasama ang aking irog (kung meron) habang inaawitan ng bangkero hehehe ang romantic db?! sarap ng pizza huh! kakagutom!

    ReplyDelete
  10. uy, i love venice... pangarap ko yan... happy huwebes... :)



    http://linophotography.com

    ReplyDelete
  11. napakaganda talaga ng venice! 15 taon na ang nakalilipas nang palarin akong mabisita ang italya kasama ang aking ina at kapatid. :)

    happy huwebes!

    Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
    Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

    ReplyDelete
  12. hello G!! ay nasa bakasyon ka pala kaya medyo quiet the past days.....you took lovely shots! nakakaenganyo, sana madaladaw ko part na yan :)

    Happy LP ;)

    Thesserie.com

    ReplyDelete
  13. Pangarap kong marating yang lugar na yan. Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  14. napaka-romantic ng venice. gusto kong bisitahin yan kahit minsan kasama ang aking sweetheart :D

    ReplyDelete
  15. wow, isa ang venice sa mga gusto kong puntahan bago man lang ako kunin ni Lord sa mundo. tapos syempre gusto ko kasama ko si hubby at hinaharana kami ng gondolier (naks!). at syempre pagkatapos ay lalamon kami ng pizza, hehehe.

    salamat sa pics at parang nakapagliwaliw na rin ako diyan. :)

    LP Liwaliw sa MyMemes
    LP Liwaliw sa MyFinds

    ReplyDelete
  16. Nice pictures of Venice! :)

    Mali pala ang hula ko. :(

    ReplyDelete
  17. I've never been there... but its on my list to visit -- someday.

    Ito ang aking lahok -- http://www.joarduo.com/2008/08/litratong-pinoy-liwaliw.html

    ReplyDelete
  18. bata pa ako nung una akong makapunta sa venice. naalala ko ang mga lugar na yan sa ganda ng iyong mga kuha. :)

    ReplyDelete
  19. ang ganda naman! sana ay mapuntahan ko rin yan balang araw :)

    ReplyDelete
  20. ito ang pangunahing pasyalan na pumapasok sa isip ko. kung akoy papalarin sana akin ring masaksihan ang alindog ng venice sa mga susunod na araw.

    O ano G, okay pa tagalog ko ano? inggit ako sa iyo kasi galing pa rin ng tagalog mo eh.

    ay, ako pala una hula, wow.

    ReplyDelete
  21. diyan namin gustong pumunta ni Mister. Sana matuloy!
    Salamat sa pagdalaw sa akin!

    have a great wkend!!

    ReplyDelete
  22. waaah! gusto ko pareho yan, pizza at pasta, me natira pa ba? lol. sama mo ko dyan sa susunod huh.

    ReplyDelete
  23. ay sossy na pagliliwaliw ito...cute ng mga bangkero, may uniform pa.

    ReplyDelete
  24. ay oo nga sosyal :)
    ganda at sarap mag date dyan :)

    Sorry kung huli na ko mag comment :)

    Jeanny
    Startin' A New Life
    Startin' A New Life Too

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.