Wednesday, January 21, 2009

Litratong Pinoy - Kahel/Orange

Paumanhin po dahil hindi ko mahanap ang sapatos kong kahel (lol).

Kaya ang lahok ko ngayon ay literal na kahel...as in yung prutas pero may bonus.




Nakita ko siya sa kusina patalon talon sa mga prutas, kaya ako ay nanubok at sumunod...


Sinubukan nyang magtago pero makulit pa ko sa alas kwatro kaya hindi sha makawala...


Hanggang sa nahuli ko sha sa ibabaw ng kahel na ito. :D

----

Panghuli, ang sikat ng araw sa dako ng aming bintana...tamang tama sa agahan (eggyolk!)

swf 27




Happy LP!

27 comments:

  1. uy ang galing! ako hindi maka-chamba sa mga insekto, ang bilis kasi nila at ambagal ko naman, haha! :D

    LP Habol sa MyMemes
    LP Sukob sa MyParty

    ReplyDelete
  2. Gusto ko yung ika-3 na pix, yun ang malufet

    eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  3. he he he,pakulitan ba kayo ng insekto? ganda ng sunrise sa inyo,dito madalang eh.
    LP:Orange

    ReplyDelete
  4. Kay gagandang litrato naman, nakakatuwa ka, mas makulit ka pa sa kuliglig (nga ba?) he he...ganda ng langit!!!

    ReplyDelete
  5. Ay, akala ko silver brooch yung grasshopper sa unang kuha - tunay pala! Ganda naman ng konsepto, G! ;)

    ReplyDelete
  6. ayos, pareho tayo, hehehe.... happy huwebes...:)

    ReplyDelete
  7. ang tipaklong. *bow* haha! mahilig pala sa prutas ang mga iyan. gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia

    ReplyDelete
  8. ayos, parang angpose talaga yung insecto para sa iyo. :D

    ReplyDelete
  9. Buti di ka natakot?? kung akoyan tumalon na ko sabay sigaw pa ha....

    ReplyDelete
  10. wow, sinundan mo talaga ang bisita mo ha?!:D at photogenic s'ya! your egg yolk is breathtaking!

    ReplyDelete
  11. parehas kami ni pinky ng unang akala :)

    ang galing ng mga kuha mo :)

    ReplyDelete
  12. Ang galing, nahuli mo si Hopper habang nagliliwalil :)

    ReplyDelete
  13. kala ko nga, alahas si Hopper hehehe! naghabulan pala kayo ha. ang galing naman, parang ang hirap atang hulihin iyan sa camera.

    ReplyDelete
  14. Ang gaganda ng mga litrato!

    Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

    ReplyDelete
  15. Ang galing naman ng timing at maganda din ang kuha. gusto ko yung unang kuha, mukha syang silver brooch na may mga bling...

    ReplyDelete
  16. anak ng tipaklong! hahaha http://jeprocksdworld.com/litratong-pinoy-kahel/

    ReplyDelete
  17. uys..galing, na huli mo.. buti hinde nagtatalon habang kinukunan mo..

    i love the sunset.. talgang orange.. :)

    ReplyDelete
  18. i lab them ol! ganda G!:)

    ReplyDelete
  19. buti nahuli mo yung grasshopper bago sya lumipad..este..tumalon pala :)

    LP:Kahel

    ReplyDelete
  20. ay, tipaklong pala yan...kakaiba :-)
    paborito ko rin yang third pic...ang ganda!

    ReplyDelete
  21. ganda ng last pic. pero kakatuwa yung insektong bonus sa litrato ng kahel mo. :)

    ReplyDelete
  22. love the second picture, G :)

    ReplyDelete
  23. ang galing!!!

    happy lp

    http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/

    ReplyDelete
  24. ang galing ng mga kuha! patatagan ng pasensya at pagkamaparaan =]

    salamat sa pagboluntir na padalhan ako ng selyo para sa aking koleksyon hehe

    paumanhin sa huling pagbisita-

    ReplyDelete
  25. ang ganda ng paglubog ng araw! ang suwerte mo nama't nakunan mo ng litrato ang patalon-talong iyan sa mga prutas mo. :)

    ReplyDelete
  26. ang saya naman ng pagtalon niya.. kung saan saan dumadapo...

    ang ganda po ng araw.. talaga pong kahel!

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.