Wednesday, January 28, 2009

Litratong Pinoy - lila/Violet



lila

Tuwing tagsibol, ang mga bulaklak ay talaga namang kahali-halina. Isa sa mga kulay ng bulaklak na masaya akong kunan ay lila. Ito ang isa sa mga lilang bulaklak na iyon , pero hindi ko alam ang pangalan (hindi ko mahanap ang mga tulips na lila). At kung minsan pa sabi ng iba ay may problema ang aking mata, dahil ang asul para sa akin ay lila at ang lila ay asul. Ano nga ba ang kulay ng mga bulaklak na ito?


lilaseeds

Diese lila Blume freue ich mich im Frühling zu fotografieren. Leider kenne ich ihr Name nicht. Manche hat gesagt, dass ich bin color-blind, also ich sehe Lila als Blau und ich sehe Blau als Lila. Welche Farbe siehst du?


Lastly, these are my favorite pumps. This pair is seldom used but I like the comfort I get when I wear them.

Happy LP!

PS: Salamat po sa ating ka-LP na si FF - Early Spring Blue bells ang tawag sa mga bulaklak, lalo akong napaisip tuloy kung asul o lila ba sila! :D

38 comments:

  1. Ano nga kayang pangalan nya? Para silang kampana. Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  2. Doc, hindi naman hyacinth, hanap ko pa din kung ano.

    Paulala, maliit, seeds yata sila. :) Happy LP!

    ReplyDelete
  3. ganda ng bulaklak....naku ano ba yan hindi ko rin sya alam..actually mahina ako sa mga pangalan ng bulaklak at halaman hehehe....

    Uy I love lilca shoes :)

    Happy LP

    ReplyDelete
  4. Naintriga din ako kung anong bulaklak yan. Bumubuka ba siya or ganyan lang talaga?

    ReplyDelete
  5. blue bonnets yata tawag diyan...yung state flower ng texas.

    ganda, parang ubas! :)

    ReplyDelete
  6. Jeanny, ipagtatanong ko sha, next ko ipopost kung anong pangalan.

    Buge,ung mga malalaking buto sa baba parang bumubuka na...pero di ko nkita, baka hyacinth ito nung bumubukadkad...

    ReplyDelete
  7. hmmm...hindi pala bluebonnet, sorry...early spring blue bells pala..hehe. meron din kami nito sa hardin pagsapit ng tagsibol! darrr!

    nice shoes, by the way!

    ReplyDelete
  8. ang gaganda ng mga kumpul-kumpol na bunga nung bulaklak! Ich glaube die Blume sind Lila, nicht Blau. Ahahaha!

    ReplyDelete
  9. aha! at nahalungkat mo na ang baul mo ng mga sapatos tita imeldific G! lol! ganda ng mga bulaklak!!!

    ReplyDelete
  10. napakaganda ng unang litrato, G! kanina ko pa sya tinititigan...parang ang sarap nya kainin!:D

    aliw naman ako sa shoes mo...parang di pa yata ako nagkaroon ng eggplant na sapatos.

    ReplyDelete
  11. Akala ko blue bonnets naman ang tawag sa mga litrato ng bulaklak - ang ku-cute nila tignan! Pero mas type ko ata ang lila pumps mo - bongga! Pero di ba siya mahirap bagayan? :?:

    ReplyDelete
  12. wow.. lalo na ang pangalawang larawan... wow.. :)

    ReplyDelete
  13. Ang cute ng mga bulaklak, lilang asul o asul na lila :D

    ReplyDelete
  14. nice flower shot... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  15. Mukha siya prutas sa unang tingin pero ang ganda parang kampanang maliliit!! ganda ng pumps mo ah. anong size mo.

    ReplyDelete
  16. Para din syang prutas sa hugis. Ang ganda!

    Happy LP!

    Eto po ang lahok ko --- http://siteseer.blogspot.com/2009/01/violet-sea.html

    ReplyDelete
  17. kala ko nung di pa tapos magload yung mga pictures ay balloons, yun pala ay bulaklak! ang ganda! siempre, women and shoes, i can totally relate :-)

    ReplyDelete
  18. More beautiful flowers!!!! masarap pagmasdan and magagandang bulaklak , lalo na ito.. kakaiba

    ReplyDelete
  19. Ang gaganda naman ng mga bulaklak diyan sa lugar mo! =)

    Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!

    ReplyDelete
  20. bulaklak pala sila! sa unang tingin ko ay berries :) hehehe

    happy LP!

    ReplyDelete
  21. halos magkakulay naman kasi ang asul at lila, ang tingin ko eh lila na mangasul asul, ah ewan basta maganda ang bulaklak at siempre type ko ang sapatos

    ReplyDelete
  22. love the 2nd shot... may depth :)

    ReplyDelete
  23. maganda ang kuha...

    sige na blue or violet magkaka-shade naman ang mga iyan...

    ReplyDelete
  24. oo nga ano .. blue daw pero parang lila rin...agaw-kulay kuing tingnan sa color spectrum. heto yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp43-lila-violet.html

    ReplyDelete
  25. ang cute ha!! :D

    eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  26. Lola, ang ganda ng anggulo ng first shot! either humiga ka sa ilalim o nasa ilalim ang camera mo..galing ha!

    ano size ng paa mo? kapag sawa ka na, ibato mo lang papuntang Holland =)

    ReplyDelete
  27. ang cute naman ng mga bulaklak na iyan. parsa silang mga prutas.

    LP:Lila

    ReplyDelete
  28. Definitely, maganda ang mga bulaklak. Pero mas walang kaduda-duda... gusto ko ang sapatos! Maganda :-)

    ReplyDelete
  29. mukhang magpinsan pa yata ang ating mga flowers! ganyan din kasi ang lahok ko.

    ReplyDelete
  30. ano nga kayang bulaklak siya.. ang ganda naman.. buhay na buhay ang kulay!

    ReplyDelete
  31. glad to have helped solve the flower name mystery! hehe

    ReplyDelete
  32. Maganda ang kuha! Bulaklak pala yan? Akala ko prutas hehe.

    ReplyDelete
  33. Naku, pareho tayo... hindi natin alam ang tawag sa mga bulaklak na kinunan natin ng litrato... ang ganda ng bulakalak mo... kulay at hugis... kakaiba, parang ang sarap pitasin kasi parang mga berries. Lila nga ang kulay niyan.

    ReplyDelete
  34. ang galing ng pagka-capture mo sa bulaklak, esp the first shot.

    ReplyDelete
  35. Ang tingin ko ay lavender pero later parang naging perwinkle. Favorite ko ang color na lavender kaya gusto ko yong pumps mo.

    ReplyDelete
  36. LOL! ang ganda ng shoes at ng bulaklak!!! eye candy sila sa 'kin! :D

    ReplyDelete
  37. nice :) ganda siguro ng mga bulaklak diyan sa germany no?

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.