Thursday, July 23, 2009

Tuyo (dry) / Nakakakilabot (Frightening) - Litratong Pinoy


Isang araw noong tagsibol napansin ko ang mga bunga ng aking itinanim na ubas sa balkon. Buong taglamig ang halamang ito ay tulog, nalagas ang mga dahon at tuyong tuyo ang mga sanga na akala mo'y namatay na. Isang araw ng Abril ay nakakabiglang gigising na  lamang muli ang halamang ito, tutubo ang mga bagong dahon at mamumunga pa nga...


grapes


Pero wag ka...dahil maulan at namamasa ang lupa ay magugulat ka na lamang sa mga matang nakatambad sa iyo na parang nanunubok...hihi.


snail-eyes



Nakakakilabot ba ang kanyang mga titig? :D (Snail or bukyo sa tagalog.)

Happy LP!

14 comments:

  1. ngiiii! oonga, pero in fairness may ka-cute-an sha ha:)

    ReplyDelete
  2. ay kakagulat! ano siya?
    ito naman ang aking lahok.
    Magandang araw ng huwebes kaibigan!

    ReplyDelete
  3. Marami kami niyan sa "garden" pero di ko kinunan ng larawan, tinatapon ko kasi kinain nag aking talbos ng kamote at dahon ng okra. Grrr...

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng pagkakakuha mo duon sa snail. para cyang isang alien hehehe.

    Happy LP.

    ReplyDelete
  5. oo nga, ang ganda ng kuha mo sa kanya at parang titig na titig sa iyo. naalala ko, ayaw na ayaw iyan ng lola ko noon kaya madali siyang naglalagay ng asin sa mga iyan para mamatay.

    ReplyDelete
  6. Nakakakilabot siguro sa iba pero sa akin cute siya! Weirdo ba?

    Sinipag ako ngayong Hwebes kaya dalawa ang lahok ko. Sana'y mabisita mo pareho. :D

    1. Spooky

    2. Scary

    ReplyDelete
  7. kulet nung snail hehehehe. cute :)

    eto naman po ung akin :D

    Nakakakilabot daw

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  8. wow, ang ganda ng close-up ng bukyo (di ko alam yon pala ang tagalog n'on!:D). kadiri nga ang snail, parang may laway (haha).

    welcome back, G!

    ReplyDelete
  9. ang galing ng kuha ng snail... nakakatakut..

    ReplyDelete
  10. ang lagkit nyang makatitig!! ha ha ha! ayan tita G, pwede ka ng gumawa ng red or white wine!

    ReplyDelete
  11. wow, ok ung kuha nyo nung mata ng snail hehehe.. pero grabe, nakatingin talaga sya:| hehehehe

    ReplyDelete
  12. I love your blog header!

    ReplyDelete
  13. I learned something new today! I didn't know that the Filipino term of snail is bukyo.

    Thanks for the info! :-)

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.