Wednesday, October 29, 2008

Litratong Pinoy - Madilim nga ba?



Ang post na ito ay nagpapatunay kung gaano ako katamad magblog lol. Pagkatapos ng isang linggo, LP uli ang entry ko hihi...siguro lang oras talaga ang kalaban...


night1

Ang tema ngayon ay kadiliman, hindi ko mahanap ang mga lumang litrato kaya eto ang mga lahok ko.

Alas-9 ng gabi na ngunit ang kadiliman ay hindi naman tuluyang lumatag sa plaza ng Lignano, Italya dahil sa liwanag na dulot ng mga ilaw.




night2

Noong lumalim pa ang gabi ay naglakad kami ni hubby para magkuha pa ng litrato sa may dalampasigan. Ang huling litrato na ito ay kuha ng 10:48 ng gabi.

night3

Ang mga litrato ay kuha noong ika-7 ng Agosto, nakikita mo ba ang naglalakad doon sa kadiliman?

Bago ko makalimutan, ask ko ang tulong nyo, pakiboto ang aking litrato dito at dito. Salamat ng marami.

At isang paghila (tag, lol corny nito) sa baba, tungkol sa mga pangalan.

Happy LP!

22 comments:

  1. may tao pala doon sa huling litrato! haha. para siyang naglalakad sa tubig.

    ReplyDelete
  2. uy ang ganda ng mga larawan mo!lalo na ang huli!:)

    ReplyDelete
  3. dito naman sa amin, alas sais pa lang super dilim na. nakaka-miss din ang liwanag pag kulang :D

    happy lp! :D

    Kadiliman sa MyMemes
    Kadiliman sa MyParty

    ReplyDelete
  4. Gusto ko yung huling kuha dahil buhay na buhay ang repleksyon ng asul na ilaw sa itim na dalampasigan. At ganda ng drama ng hugis ng naglalakad na babae sa gitna. :)

    ReplyDelete
  5. Ang ganda... 9pm pero blue pa rin ang langit? Wow.

    Ang aking "madilim" na litrato ay nakapost dito. Sana makadaan ka. Salamat!

    ReplyDelete
  6. nice one.... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  7. gusto ko yung last na litrato :)

    yung una parang umaga blue pa kasi yung sky buti nalang may lamp post :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  8. Wow, super naiingit ako at nakatira ka sa Europa... napaka gandandang lugar.

    Hindi kita napansin sa litrato kung hindi mo sinabi... ang nakita ko eh yung mga ilaw.

    ReplyDelete
  9. pareho tayo, G...ako naman up to my eyeballs with work kaya halos di nakapag post. hayyy! dark photos nga.:D

    ReplyDelete
  10. maganda iyong kulay asul na ilaw. ano kaya yan? parang may araw pa rin pala kapag maaga pa ang gabi ano?

    ReplyDelete
  11. Ang daya ang labo ng pic mo eh..dapat close up (^0^)

    are the kids trick or treatin' tonight, mom? I'm thinking of sending Charlie out for some treats (for me *lol* )

    Happy LP at op kors, puntahan ko ang pics na iboboto.

    ReplyDelete
  12. Ang ganda naman diyan :)Perfect ang mga larawan mo.

    ReplyDelete
  13. nice shots. di baleng madalang ang posts, basta laging present sa LP diba.

    ReplyDelete
  14. ganda ng shots mo! perfect sis.

    happy halloween!

    ReplyDelete
  15. ang gaganda ng mga larawan...

    sarap mag travel

    ReplyDelete
  16. ganda ng mga shots. Sa ibang lugar pag summer, gabing-gabi na maliwanag pa rin no?

    ReplyDelete
  17. Kahit madilim maganda pa rin ang tanawin. Dito naman alas 5:30 pa lang ay madilim na.
    Salamt sa bisita G, missing in action ang site ko kaya ngayon lang nakapag-update. Happy weekend.

    ReplyDelete
  18. ganda ng last pic! i wonder kung sino ang naglalakad sa dilim with the silhouette! :D

    ReplyDelete
  19. Wow parang patakip-silim pa lang. Nice!

    ReplyDelete
  20. tita thess, syel,leaps(keith?), hindi ako yun naglalakad dun...kagaya namin ni hubby, mga naglilitrato din sa gabi,kasama din ang kanyang irog hihi.

    Salamat sa pgbisita, kita kita tayo uli sa LP!

    ReplyDelete
  21. Ang ganda ng huling kuha mo, may tripod ka ba ng kinunan mo yon?

    ReplyDelete
  22. Hello tita C :D. Sa may ibabaw ng bangka na nasa dalampasigan lang..nakalimutan bitbitin ang tripod...

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.