Thursday, June 5, 2008

Litratong Pinoy - Pag-iisang dibdib




Mateo 19:6 "Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao."

Marahil ay nagtataka kayo bakit iisa lamang ang singsing na nakapatong sa Bibliya, iyon ay dahil ang singsing ng aking asawa ay hindi namin alam kung nasaan (lol). Magandang pasubali para kapag may magtanong ay sasabihin nya na wala siyang asawa (hehehe, wag gagayahin ng mga may asawa jan,biro lang po ito).

Sa kabilang banda ang pahina sa Bibliya ay tumutukoy sa diborsiyo, isang sensitibong usapin na pinapayagan lamang ng Bibliya kung ang dahilan ay ang pangangalunya (bukod sa kapahamakan ng buhay, at kawalang responsibilidad).

Sa mga pagkakataon ng pagiisang dibdib ay karaniwan ng mayroong mga souvenir items at pinakapaborito ko sa mga ito ay ano pa nga ba, kandila.

Isang maligayang LP sa lahat!


Para sa ibang lahok, pakipindot dito.

Kung hindi ko pa kayo nailagay sa listahan ng mga Litratistang Pinoy, pakibanggit lamang sa komento. Salamat po.

24 comments:

  1. isang sensitibong paksa ang iyong ipinakita. nawa'y di humantong ang maraming pag-iisang dibdib sa mapait na hiwalayan...

    ReplyDelete
  2. gusto ko ang impormasyong sinulat mo, sensitibo man, ngunit importanteng malaman ng lahat ng ikinakasal.

    ReplyDelete
  3. Nalost ata ako.

    Hangad naman lagi ng Diyos ang ating kaligayahan:)

    ReplyDelete
  4. nakakalungkot naman... dapat talaga panghabambuhay!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  5. yung singsing ng asawa ko ay itinago ko pagkatapos ng kasal. alam ko na kasing mawawala eh.

    happy lp!

    cookie
    http://mirageasusual.blogspot.com/

    ReplyDelete
  6. Ang paghihiwalay ay tila ba ordinaryo na lamang ngayon. Kaya dapat talaga pinag-iisipang mabuti bago magpakasal.

    Magandang Huwebes!


    Julie

    ReplyDelete
  7. ang singsing ay isang simbolo lamang...mawala man ito o hindi lang maisuot dahil sa tumabang daliri...ang mahala ay ang tapat at matibay na pagmamahalan.

    Isang masayang Huwebes na naman!

    http://manillapaper.com/2008/06/lp10-marriage-pag-iisang-dibdib/

    ReplyDelete
  8. dapat maging matatag ang mag-asawa upang hindi sila mapaghiwalay ninuman.

    ReplyDelete
  9. sayang naman ang singsing ni mister. dapat talagang pinaghahandaan ang pag-aasawa para hindi mauwi sa paghihiwalay.

    hapi huwebes!

    Sumpaan
    Abay

    ReplyDelete
  10. shutter happy jennJune 5, 2008 at 9:36 PM

    Ang ganda ng singsing ninyo!

    Ang aking LP ay naka post na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    Salamat!

    ReplyDelete
  11. nakaklungkot man na marami rin naghihiwalay pagkatapos ng kasal.

    http://mousey.info/2008/06/04/lp-pag-iisang-dibdib/

    ReplyDelete
  12. nasan na ang singsing? :D

    salamat sa dalaw sa lp ko :D

    ReplyDelete
  13. uy sana mahanap niyo yung singsing ng iyong asawa. or baka naman sinadya niyang iwala para kunyari binata ulit siya? hahaha! (joke lang). :)

    happy LP! :)

    MyMemes: LP Kasalan
    MyFinds: LP Kasalan

    ReplyDelete
  14. kami ay hindi nagsusuot ng sing-sing :) Sana kami ay magtagal pero hindi ako sang-ayon sa pag-titiis sa isang marriage na hindi ka na masaya :)

    ReplyDelete
  15. nawa'y manatili tayong tapat sa ating sinumpaan sa harap nang tao at higit sa lahat, sa harap ng Diyos. :)

    maligayang LP!

    ReplyDelete
  16. ayos... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)


    http://linophotography.com

    ReplyDelete
  17. Ipagawa agad ng bagong singsing si mister ha ha!

    Neybor, pasensha na at late ako nakadalaw, grabe trabaho talaga lang...Have a great weekend to you and yours!

    Thesserie.Com

    ReplyDelete
  18. hindi ba pwedeng bumili ng panibagong set ng singsing pag nawala un kapares? hehehe..

    ReplyDelete
  19. salamat sa pagbabahagi ng magandang linya na yan mula sa bibliya. salamat din sa dalaw mo. :)

    leah
    http://leahjoseph.com

    ReplyDelete
  20. Nakakalungkot ngang sabihin na maraming tao ang naibgyan ng pagkakataong umibig at makasama ang kanilang mahal habambuhay ngunit nauuwi lamang sa hiwalayan.

    Tungkol naman sa nawawalang singsing, isipin niyo na lang na ito ay isang simbolo lamang at mas importante ang inyong pagmamahalan! :)

    Happy LP!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-iisang-dibdib.html

    ReplyDelete
  21. Naku, nawala ng iyong asawa ang kanyang singsing. Di bale, simbolo lang naman iyon. Ang importante ay nagmamahalan kayong dalawa.

    By the way, ano reaction mo ng malaman mong nawala ang singsing ng asawa mo?

    May mga kilala kasi ako na hindi nagsusuot ng singsing ngunit dahil may allergy sila sa daliri.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  22. Salamat po sa lahat ng mga nagkomento.

    Ang pagkawala ng singsing ni hubby ay ok lang naman sa amin kasi hindi din namin lagi sinusuot. Kasi pareho din kaming walain lol. Tinanong ko si hubby at sabi nya naiwan nya daw sa bahay ng tita nung ginawa nya yung PC, mejo busy ung tita kaya di pa kami nakapag appointment na kuhanin. lol.

    So un, please don't worry about the misplaced ring, we know the relationship is more important than that.

    ReplyDelete
  23. Or sabi nga ni gladys, bibili na lang, pero ibang set na hehe. Di ko nga pala masundan ang link mo gladys, pakiiwan naman dito sa sunod, thanks!

    ReplyDelete
  24. naku sayang naman yon!

    happy weekend G! :)

    ReplyDelete

Hi! THis blog is currently being moved to www.me.gmirage.com - Please leave me a message there. Thanks!

Note: Only a member of this blog may post a comment.