To join Today's Flowers, visit Denise and Santilli.

Don't get me wrong, I also enjoy the PSP but for me it is somehow a depiction of laziness when one sits on it the whole time doing nothing more =D P.S. He doesn't know how to play, he just pretends....
Have a great week!
Bago ko simulan, isang tanong lang ng pagtataka sa mga pinadalhan ko po ng postcard, waaaah, natanggap nyo po ba???
(Gloriette , Okt 18, 02...this structure was erected in 1775.)
Dumating kami ng aking panganay na anak sa Vienna noong Oktubre 14, 2002, oo halos anim na taon na ngayon. Kahit bagong dating, ipinasyal kami ni H sa siyudad at nagkuha ng mga litrato na parang turista gamit ang lumang camera na olympus c100 (oo, adik kami sa pagkukuha...lol).
Ngayon ay nahalungkat ko ang mga ito, mga lumang litrato ng mga lumang istruktura at iba pa, kinuha sa pamamagitan ng lumang camera....
Mga seagull ba ito? Sa may Schönbrunn Palace.
Ako yang nakaupo sa bangko, pramis! Hindi ko maalala pero malamang sa harap ng isang Opera House ito.
Eto naman ay isa sa mga simbahan ng Nuremberg, Alemanya na napapaligiran ng mga pamilihan.
---
Hindi kalumaan, kuha noong nakaraang taon...Ang museong Louvre na binuksan noong 1793, totoong luma na! Eto din ang kaunahan kong lahok sa LP para sa theman tatsulok. :-)
---
Happy LP!